#Paano matuto ng Haskell
Ito ay ang maipapayong daan upang matutunan ang Haskell base sa karanasan na makatutulong sa iba. Mayroong listahang ng mga rekomendasyon sa isa sa mga may akda ng Haskell Book.
Ang aming IRC channel ay #haskell-beginners
sa Freenode.
Kliyenteng pang-websayt dito.
Haskell,listahan ng padadalhan ng sulat.
Tignan ang patakaran ng komunidad upang malaman ang adhikain sa IRC channel. Mabibigyan ka ng babala kung hindi ka halatang nanloloko, ngunit maging maingat sapagkat ang channel ay para lamang sa mga gustong matuto o nag-tuturo ng Haskell.
I-install ang Stack upang ma-install ang GHC para makapagtayo ng sariling proyekto.
Kung wala kang alam sa kahit ano mang bagay tungkol sa Stack at gustong matuto tungkol dito, tignan itong unawaan ng Stack bidyo tutorial
Datapwa't sundin lamang ang instruksyon sa Haskell.org para makuha ang Stack.
https://mail.haskell.org/pipermail/haskell-community/2015-September/000014.html
Ang pinaka-rekomendasyon ay basahin ang mga lektura at tapusin ang mga pagsasanay/takdang aralin para sa Spring 13 version ng cis1940 tapos ang kurso ng FP. Ang dalawa ay naka-takda sa ibaba. Ang iba ay hindi na kailangan ngunit ini-mungkahi para sa iyong kapakanan.
I-Pinapaalam ni @dmvianna na ang mga nasa babaya libreng mga rekomendasyon pang-kaalaman. Kung gusto mong tumingin ng libro, inirerekomenda na kumuha ng iyong sariling Haskell Book. Kung hindi mo makakayang bilhin ang libro sa anumang dahilan, maaaring mag-sumite saamin ng email gamit ang aming pahinang pang-suporta.
Talakayin muna ito kung hindi mo bibilhin ang Haskell Book, ito ay ang pinakamagandang libreng introduksyon sa Haskell.
Makukuha online.
Ang kurso ni Brent Yorgey ay ang pinakamaganda sa pagkakaalam ko. Itong kurso ay mahalaga dahil hindi ka lamang tuturuan mag-sulat ng pinakapundomental na Haskell ngunit matutulungan karin maintindihan ang mga parser combinators.
Ang tanging dahilan para wag mag-simula sa cis1940 ay kung ikaw ay hindi programmer o hindi eksperyensado. Kung yun ang kaso, mag-simula sa Libro ni Thompson at tyaka lumipat sa cis1940.
Ito ang inirerekomenda naming kurso pagkatapos ng Kursong cis1940 ni Yorgey
Makukuha sa dito sa github.
Ito ay magbibigay lakas at karanasan sayo sa pag-implementa ng kabasalan na itinuro sa cis1940, ito ay isang gawi na kritikal upang maing kumportable sa pang-araw araw na pag-gamit ng Functor/Applicative/Monad/etc. sa Haskell. Ang pag-talakay sa cis1940 at sa FP course ay ang nag-rerepresenta ng ubod ng rekomendasyon ng aking patnubay at kung paano kami nag-tuturo ng Haskell sa lahat.
Nag-bibigay kaalaman sa mga nakalalalim ng paksa.
Makukuha ang cs240h online:
Ito ay mga online na kurso ni Bryan O'Sullivan mula sa klaseng tinuturuan niya sa Stanford. Kung hindi mo siya kilala, Silyapan lamang ang kalahati ng aklatan ng kahit anong Haskell application at makikita mo ang kanyang ngalan. Kung nasagawa mo na ang Kurso ni Yorgey nanduon ang modules sa phantom types, information flow control, language extensions, concurrency, pipes, at lenses.
Ang mga mapagkukunan na ito ay hindi tiyak para sa mga nag-aaral di katulad ng cis1940 at FP course, ngunit sila'y linked in sa listahan ng paksa upang ikaw ay mag-ka ideya kung saan mag-sisimula. Naisasama dito ang mga intermediate/advanced na ideya at paksa katulad ng tooling at text editors.
Naisalagay dito sa repository dito.
Ito ay napakamatulungin at importante. Tignan dito para sa mga malalalim na mga uri ng paksa.